Karapat-dapat Ba?
Isang misyonaryong doktor sa bansang Congo si Helen Roseveare. Naging bilanggo siya nang magkaroon ng rebelyon sa Simba noong 1964. Binugbog at pinagsamantalahan siya ng mga bumihag sa kanya. Matinding hirap ang dinanas niya. Habang bihag siya, napaisip si Roseveare. “Karapat-dapat bang paglingkuran ang Dios?”
Iniisip ni Roseveare kung karapat-dapat bang paglingkuran ang Dios sa kabila ng mga dinanas niya.…
Kahirapan at Kahabagan
Noong anim na taong gulang pa lamang si James Barrie, namatay ang kuya niyang si David. Namatay si David sa isang aksidente. Sa mga nagdaang taon, lubos na nangulila ang kanyang mga magulang. Pero naisip din ng mga magulang ni James na mapalad ang kanilang anak na si David dahil hindi na ito haharap sa mga pagsubok sa buhay. Sumulat…
Kanlungan Sa Mga Iniwan
Kinikilala na isa sa pinakamahusay na mangangaral ng Salita ng Dios si George Whitefield (1714-1770). Libu-libong mga tao ang nagtiwala sa Panginoong Jesus sa pamamagitan ng ginagawa niyang pagpapahayag ng tungkol sa kaligtasang inaalok ng Dios.
Gayon pa man, marami ang tumutuligsa sa ginagawa ni George. Pero naipahayag ni George ang kanyang tugon sa mga nagsalita sa kanya ng masasakit…
Kasama Mo Ang Dios
Minsan, naglilinis ako sa aming hardin nang may nakita akong dikit-dikit na damo. Kaya naman, binunot ko ang mga ito; nagulat ako dahil muntik ko nang maisama sa pag bunot ang isang makamandag na ahas. Napakalapit nito sa akin at maaari talaga akong matuklaw. Dahil sa pangyayaring ito, naisip ko kung ilang beses na kaya akong inililigtas ng Dios sa…
Maghintay
May isang sikat na restawran sa Bangkok na naghahain ng sabaw na nailuto na sa loob ng apatnapu’t limang taon. Bawat araw ay iniinit at pinapasarap ang sabaw na ito. Habang tumatagal, lalong sumasarap at nagiging malasa ang sabaw. Ilang beses nang nanalo ang restawran na ito dahil sa masarap na sabaw na ito.
Minsan, kailangan naman talagang maghintay upang…